Republika ng Pilipinas
Bulacan State University
Lungsod
ng Malolos, Bulacan
Kolehiyo
ng Edukasyon
Batsilyer sa
Pan-Sekondaryang Edukasyon, Mayorya sa Araling Panlipunan
Pakitang
– Turo
Masusing Banghay – Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Ikawalong Baitang
Kasaysayan ng Daigdig
Masusing Banghay – Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Ikawalong Baitang
Kasaysayan ng Daigdig
I.
Layunin
Sa
pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1.
Naibibigay ang kahulugan ng Renaissance.
2.
Naipapaliwanag ang mga salik sa Pagsibol
ng Renaissance.
3.
Napapahalagahan ang mga ambag ng
Renaissance sa ibat-ibang larangan.
4.
Nakagagawa ang bawat pangkat ng isang
presentasyon patungkol sa Renaissance.
II.
Nilalaman
A.
Paksa: Pag-usbong ng Renaissance
B.
Kagamitan:
Laptop, LCD Projector at mga larawan.
C.
Sanggunian:
Kasaysayan
ng Daigdig
Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral Unang
Edisyon 2014 pahina 300 – 307; at
Araling
Panlipunan Serye III, Kasayasayan ng Daigdig – Batayang Aklat para sa Ikatlong
Taon, Bagong Edisyon 2012 pahina 218 - 224
III.
Pamamaraan
Gawain ng Guro
|
Gawain ng Mag-aaral
|
||||||||||||||||
A.
Panimulang
Gawain
1. Pambungad na Panalangin
-
Arjohn Regis, maari mo bang pangunahan
sa maikling panalangin ang gagawin nating pag-aaral sa hapon na ito?
2. Pagbati ng Guro
-
Magandang Hapon seksyon Pythagoras.
-
Bago maupo ang lahat maaari bang
ayusin ninyo ang inyong mga upuan at pulutin kalat sa paligid.
3. Pagtatala ng lumiban sa klase.
-
Mayroon bang liban sa klase ngayon?
-
Magaling! bigyan ng tatlong (3) bagsak
ang inyong seksyon. Simulan na natin ang ating aralin.
4. Balik-Aral
-
Kahapon ay ating tinalakay ang
paglakas ng Simbahan at ang papel nito sa paglakas ng Europe. Ano nga ba ang
gampanin ng isang Papa?
-
Mahusay! Ano naman ang gampanin ng Simabahan sa paglakas ng Europe?
-
Mahusay! May mga katanungan pa ba kayo
hinggil dito?
-
Kung wala na ay dumako na tayo sa
susunod nating aralin.
5. Lunsaran/Pagganyak
-
Anong mga larawan ang makikita ninyo
sa pisara?
(Magpapakita ng mga larawan na
may kinalaman sa paksang tatalakayin.)
-
Mahusay! Sa tingin ninyo tungkol saan ang
tatalakayin natin sa araw na ito?
-
Tama, ito ay patungkol sa Renaissance.
|
-
Iyuko po natin ang ating mga ulo at
damhin ang presensya ng ating Panginoon. Ama na aming Diyos banal at
makapangyarihan sa lahat kami po ay nagpapasalamat sa iyong kabutihan. Sana
po sa araw na ito buksan mo ang aming puso at isipan sa gagawin naming mga
pag-aaral ikaw nawa ang maghari sa bawat isa sa amin. Patawad po sa aming mga sala. Sa pangalan ng aming
Panginoong Jesus na dakila at aming Tagapagligtas. Amen
-
Magandang Hapon rin po Ginoong Nava.
-
(Aayusin ng mga mag-aaral ang upuan at
pupulutin ang mga nakitang kalat.)
-
Kinalulugod ko pong sabihin na wala
pong liban sa ating klase.
-
Siya po ang may pinakamataas na
kapangyarihan sa ating simbahan.
-
Sa pangunguna ng simbahan, nabuo ang
imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano, ang Republica
Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.
-
Wala na po.
-
Mona Lisa
-
Last Supper o Huling Hapunan
-
Teleskopyo / Galileo Galilei
-
Sir, tungkol po sa Renaissance.
|
||||||||||||||||
B.
Paglinang
ng Gawain
|
|||||||||||||||||
1. Paglalahad
-
Ano nga ba ang kahulugan ng
Renaissance?
-
Mahusay! May iba pa bang kasagutan?
-
Magaling! Maari rin na ilarawan ang
Renaissance sa dalawang paraan. Una bilang kilusang intelektwal o kultural at
Pangalawa bilang panahon ng transisyon mula Middle ages tungo sa modernong
panahon.
-
Isa pa sa maikakabit natin sa
Renaissance ay ang pag-usbong ng Humanismo. Ano ang kahulugan ng Humanismo?
-
Tama! Muli ang Renaissance ay
nangangahulugang “Muling Pagsilang” at ang Humanista ay ang nagsilbing
tagapagpalaganap nito.
2. Pagtalakay
-
Ngayon upang mas ganap nating
maunawaan ang pag-usbong ng Renaissance ay hahatiin natin ang klase sa tatlong
pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng sampung minuto upang magkaroon ng
palitan ng kaalaman ang bawat miyembro. Pipili ang bawat pangkat ng isang
kinatawan na magpapaliwanag ng kanilang nagawa.
-
Para sa unang pangkat ang inyong paksa
ay Salik sa Pagsibol ng Renaissance gamit ang Discussion Graphic Organizer.
-
Para sa ikalawang pangkat ang inyong paksa ay ambag ng Renaissance sa
larangan ng Sining at Panitikan gamit ang Human Chart.
-
Magkakaroon ng 2 mag-aaral na kung
saan ang isa ang siyang gagaya sa bawat kilalang personalidad sa panahon ng
Renaissance at ang isang pang mag-aaral ang siya namang magpapaliwanag.
-
Para sa ikatlong pangkat ang inyong
paksa ay ambag ng Renaissance sa Larangan ng Pagpinta gamit ang Panel
Discussion.
-
Sa pamamagitan ng Panel Discussion ay
magsasagawa ang pangkat ng paraang pa-interbyu na kung saan mayroong isang mag-aaral
na magtatanong patungkol sa mga kilalang personalidad sa larangan ng pagpinta
at agham.
Narito
ang batayan para sa pagmamarka.
Rubriks sa Pagmamarka
(Ipapaliwanag
ng guro ang rubriks)
-
May mga katanungan pa ba kayo?
-
kung gayon pumunta na ng tahimik sa
kani-kanilang pangkat.
-
Tapos na ang nakalaang oras para sa
inyong gawain. Tumayo na ang kinatawan ng unang pangkat.
-
Mahusay!
(Magbibigay
ang guro ng mga karagdagang impormasyon na hindi nabanggit ng pangkat)
-
Magaling! (Magbibigay ang guro ng mga
karagdagang impormasyon na hindi nabanggit ng pangkat)
-
Magaling! (Magbibigay ang guro ng mga
karagdagang impormasyon na hindi nabanggit ng pangkat)
C.
Paglalahat
-
Bilang paglalahat, patungkol sa ating
tinalakay, Ano nga ang kahulugan
ng Renaissance?
-
Anu-ano ang mga naging salik sa
pag-usbong ng Renaissance?
-
Magaling!
D.
Paglalapat
-
Anong mga prinsipyo o kaalamang hango
sa Renaissance ang maari nating iangkop sa kasalukuyan.
Halimbawa:
Sa halip na Bandalismo, bakit hindi tayo gumawa ng Murals upang maging
maganda ito.
E. Pagpapahalaga
Bilang
mag-aaral, paaano mo mapahahalagahan ang mga naging ambag ng mga kilalang tao
noong panahon ng Renaissance?
|
-
Ang Renaissance po ay nangangahulugan
na
“Muling Pagsilang” o “Rebirth”.
-
Ito po ay galing sa salitang Pranses
na “Revival”
-
Muling pag-usbong
-
Ang humanismo po ay isang kilusang
intelektwal noong panahon ng Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng
pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Roma.
-
Wala na po.
-
Pangkat 1 – Pagtalakay ukol sa mga
naging salik sa pagsibol ng Renaissance
-
Pangkat 2 – Pagtalakay ukol sa mga
naging ambag ng Renaissance sa larangan ng Sining at Panitikan.
-
Pangkat 3 – Pagtalakay ukol sa mga
naging ambag ng Renaissance sa larangan ng Agham at Pagpinta.
-
“Muling Pagsilang” o “rebirth” po Sir.
-
Ang Italy ay matatagpuan sa pagitan ng
Gitnang Silangan at Kanlurang Europa.
-
Sa Italya nahubog ang kadakilaan ng unang
Rome at ang Italyano ay may higit na kaugnayan sa mga naunang Romano kaysa
alinmang bansa sa Europa.
-
Ang pagtataguyod ng mga maharlikang
angkan sa mga taong makasining at masigasig sa pag-aaral.
-
Ang sagot ng mag-aaral ay naka-ayon sa
kanilang ideya.)
-
Ang sagot ng mag-aaral ay naka-ayon sa
kanilang ideya.)
|
IV.
Pagtataya
PANUTO:
Hanapin sa Hanay B ang mga konseptong inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa sariling papel.
Hanay
A
|
Hanay
B
|
1.Nagpanukala ng batas ng Universal Gravitational.
|
a.
Francesco Petrarch
|
2. Siya ang nakaimbento ng Teleskopyo.
|
b. Galileo
Galilei
|
3. Nagpanukala ng Teoryang Heliocentric
|
c.
Leonardo da Vinci
|
4. Sino ang tinagurianag ganap na pintor o Perpektong Pintor.
|
d. Miguel
de Cervantes
|
5. Siya ang may obra maestro sa Huling Hapunan.
|
e.
Michelangelo Bounarotti
|
6. Siya ang maylikha ng La Pieta.
|
f. Nicolas Copernicus
|
7. Siya ang may akda ng Nobelang “Don Quixote de la
Mancha”
|
g.
Nicollo Machievelli
|
8. Isang diplomatikong manunulat na taga Florence at
may-akda ng “The Prince”
|
h.
Raphael Santi
|
9. Nakilala bilang “Ama ng Humanismo”
|
i. Sir
Isaac Newton
|
10. Tinaguriang “Makata ng mga Makata”
|
j.
William Shakespeare
|
Takdang-Aralin
Basahin ang Modyul 3, Aralin 1 sa
pahina 309-313 sa inyong aklat, Kasaysayan ng Daigdig – Modyul ng Mag-aaral Unang
Edisyon 2014 at sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano
ang Repormasyon?
2. Ano
ang Kontra-Repormasyon?
3. Ano
ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga tao?
Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan -
Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon 2014
Inihanda
ni:
JERWIN
J. NAVA
Tagapagpakitang-Turo
Binigyang Pansin nina:
CHRISNA A. PINOY
Tagapunang
– Guro
JOSIELYN B. VILLARUZ
Dalub-Guro
I, Araling Panlipunan
HERMINIA
H. SANTIAGO
Ulong-Guro IV ng Araling Panlipunan
___________________________________________________________________
Lunsaran / Pagganyak
INC ka po ba?
ReplyDelete